Pagtatalik

Maaari pa ring magpatuloy sa pagiging-intimate habang nasa dialysis. Ang pakikipag-usap tungkol sa anumang isyu na maaaring maranasan ay ang unang hakbang para patuloy na gawin ito habang naggagamot.

Illustration of a man and woman holding hands while walking outside

Sa dami ng bagong impormasyon na dadating sayo, maaaring mag isip ka kung paano mapapanatili ang mga pamilyar na aspeto ng iyong buhay. Halimbawa, maaari mong isipin na ang sex ay mahalaga sa iyong physical at emotional wellbeing, ngunit dahil sa pagsasaayos ng gamutan, pangangasiwa ng medikasyon at ang mga gawain sa trabaho at buhay pamilya, maaaring mawalan din ng panahon na maging "intimate", na normal naman na mangyari. 

Ang mga isyu tungkol sa pagpapahalaga sa sarili, itsura ng katawan at sexual desire ay karaniwan para sa mga taong nagda-dialysis. Ang pakikipag-usap sa iyong kapareha at pangkat ng tagapag-alaga ang unang hakbang sa pagdadala sa mga ito.

Two people holding hands

Pagiging Intimate habang nasa Peritoneal Dialysis (PD)

Kung ikaw ay nasa peritoneal dialysis (PD), maaaring di maging komportable makipagtalik ng may dialysis fluid sa iyong peritoneal cavity. Tanungin ang iyong nars sa PD kung maaari mong i-drain muna bago makipagtalik. Posible sayong makipagtalik habang nasa PD cycler, at ikaw at ang iyong kapareha ay makakahanap ng mainam na paraan para hindi mahugot ang catheter. Ganoon rin, tanungin ang iyong nars sa PD kung posibleng maalis muna sa cycler para makipagtalik sa gabi.

elderly man embracing wife open field dialysis

Pag-uusap Tungkol Sa Pagtatalik Kasama ng Iyong Partner

Ang pakikipag-usap sa iyong partner tungkol sa kung paano ang chronic kidney disease (CKD) ay nakakaapekto sa iyong kagustuhan sa seks at pakikinig sa kanilang damdamin at pangangailangan ay mahalaga upang mapanatili ang pagiging malapit sa isa't isa. Ang pakikipag-usap sa mga pisikal at emosyal na kahirapan na dinaranas ay maaaring magbigay sa inyo ng mutual understanding at magbigay sayo ng oportunidad na dalhin ito sa paraang komportable para sa inyo. Maaaring hindi komportable sayo na pag-usapan ang mga ganitong bagay, ngunit ang sexual dysfunction ay normal sa mga taong merong chronic kidney disease (CKD) at ang pag-uusap tungkol dito ay nakakabawas ng stress sa aspetong ito ng inyong relasyon.

Healthcare work discussing dialysis treatment with elderly couple

Kakulangan ng Sexual Desire

Maraming mga kadahilanan na ang iyong sexual desire ay maaaring tumaas at bumaba sa buong paggagamot. Maaari kang makaranas ng sakit, pagkapagod o hormone imbalances na nakakabawas ng iyong pagnanais sa sex. Maaari ka ring makaranas ng mga alalahanin tungkol sa imahe ng katawan o kakayahan sa sex, na nagiging dahilan ng pag-iwas mo na maging physically close kayo ng iyong partner. Mahalagang talakayin ang mga damdaming ito sa iyong partner. Kung hindi ka komportable sa pakikipagtalik, kayong dalawa ay maaaring isaalang-alang ang mga ibang bagay na makakatulong sa iyo na manatiling malapit sa pisikal.

Kung ikaw at ang iyong partner ay nagpasya na komportable kayong hindi muna magtalik, magandang ideya na sabihin ito sa iyong klinika upang malaman ang malalim na dahilan ng iyong kawalan ng sexual desire. 

Elderly couple smiling to each other

Isa ka bang Tagapag-alaga o May Mahal sa Buhay Na Nagda-dialysis?

Ang pagiging tagapag-alaga o may mahal sa buhay na nasa dialysis ay nangangahulugang magbabago ang buhay mo sa ilang paraan. Ang malaman kung ano ang aasahan ay makakatulong sayo sa paglalakbay na ito. Basahin pa ang tungkol sa kung ano ang dapat asahan, paano makakatulong sa mahal sa buhay at kung bakit mahalagang alagaan ang iyong sarili.

 

Alamin

Saan Sunod na Pupunta?

preparing a meal for a patient undergoing dialysis

Pagkain ng Pagkaing Mainam sa Bato

Ang pagkaing mainam sa bato ay makakatulong sayo na maging maayos ang pakiramdam at magawa ang lubos sa kabuuan ng iyong gamutan.

Alamin ang tungkol sa pagkain at dialysis.

Couple with dialysis cycling on beach as exercise

Ehersisyo at Dialysis

Ang pananatiling malusog sa pangangatawan ay makakatulong na maging maginhawa ang kabuuan ng iyong gamutan.

Alamin pa ang tungkol sa mga paraan upang maging aktibo habang nasa dialysis.

Couple with camera and luggage travelling while on dialysis

Pagbabyahe habang nasa Dialysis

Posible pa rin sayo ang magbyahe habang nasa dialysis.

Alamin pa ang tungkol sa pagbabyahe habang may chronic kidney disease (CKD).