Pakikipag-usap Tungkol sa Iyong Kondisyon
Ang pakikipag-usap tungkol sa iyong kalagayan ay maaaring maging isang hamon, ngunit maaaring makatulong ito sa iyo na maitaguyod ang tiwala at makuha ang emosyonal at praktikal na suporta na kailangan mo upang mabuhay nang matiwasay sa dialysis.
Ang pakikipag-usap tungkol sa iyong kondisyon ay maaaring makapagpagaan sa buhay na may chronic kidney disease (CKD).
Ang pakikipag-usap sa mga taong mahal mo tungkol sa mga bagong realidad na iyong kinakaharap ay maaaring maging hamon, ngunit ito ay kapaki-pakinabang. Ang kanilang tulong at suporta ay napakahalaga sa kabuuan ng iyong gamutan at ang pagsasabi sa kanila ng maaga ay makakatulong na magkaroon ng oportunidad na mapag-usapan ang kanilang mga iniisip, pag-aalala, at mga inaasahan.
Ang Iyong Asawa, Kapartner, o Karelasyon
Kung ikaw ay may asawa, kapartner, o karelasyon, maaaring mas piliin mo na sila ang pagkukuhanan mo ng emosyonal na suporta sa kabuuan ng iyong gamutan. Lalo’t higit kung sila ang iyong pangunahing tagapag-alaga habang ikaw ay nagda-dialysis. Mahalaga na sabihin sa kanya kung paano maaapektuhan ang pang-araw araw na buhay para sa inyong dalawa at kung paano makakayanan ang pagpapalit palit ng gawain at mga inaasahan sa inyong tahanan.
Pamilya Mo
Sa isang punto ng iyong gamutan, maaari mong sabihin sa iyong pamilya ang tungkol sa iyong kondisyon. Ang pagiging bukas tungkol sa iyong kondisyon sa mga taong malalapit sayo ay maaaring makatulong sa kanilang maunawaan ang iyong pinagdadaanan.
Ang iyong pamilya ang iyong pinakamalakas na suporta. Halimbawa, maaari ka nilang dalhin papunta at sunduin galing sa iyong mga gamutan. Kung ikaw ay naka PD o home HD therapy, maaari ka nilang suportahan sa pagtulong sa iyong paggagamot. Ganon rin naman, maaari silang tumulong na gawin ang iyong mga personal o responsibilidad sa pamilya, tulad ng gawain sa bahay o pag-aalaga sa mga bata.
Mga Kaibigan Mo
Maaaring maapektuhan ang pakikisalamuha na gawain depende sa pinili mong paraan ng gamutan. Ngunit hindi ito nangangahulugang mawawalan ka na ng buhay para makisalamuha sa iba. Sabihin sa iyong mga kaibigan na maaari ka pa ring sumali sa mga aktibidad na ginagawa mo bago ka nasuri – ngunit kailangan mo muna itong sabihin sa iyong klinika – at mahalaga na patuloy ka nilang isali, kung maaari. Maaaring maging bukas rin sila sa mga bagong aktibidad na pwede niyong gawin magkakasama. Kung pinili mo ang in-center hemodialysis (In-Center HD), maaari ka ring magkaroon ng mga bagong kaibigan habang nasa terapiya!
Ang Iyong Boss at mga Katrabaho
Maaari ka pa ring magtrabaho habang nagda-dialysis. At maaaring mahalaga rin ito sayo para sa iyong pisikal, mental, at pinansiyal na kalagayan. Kung kailangan mong baguhin ang iyong iskedyul sa pagtatrabaho para umangkop sa iyong mga gamutan, mas mabuting maging bukas at matapat sa kanila tungkol sa iyong kondisyon.
Paggagamot ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Iyong Sarili
Kung mas nais mong mag-isa sa iyong gamutan, dapat mong malaman na maaari kang magsabi sa iyong pangkat ng tagapag-alaga para sa payo at mga mapagkukunan upang mas maging madali ang buhay nagda-dialysis. Makakapagpayo sila kung paano mo malulubos ang gamutan at kung paano babalansehin ang gamutan kasabay ng iyong propesyunal at personal na responsibilidad o direkta sa isang tao na makakatulong.
Ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap kasama ng iyong healthcare team tungkol sa iyong kondisyon ay isang mabuting paraan upang makakuha ng maigting na suporta mula sa kanila.
Saan Sunod na Pupunta?
Pagkakaya sa iyong Emosyon
Ang paraan ng pagdadala ng iyong emosyon sa kabuuan ng iyong gamutan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong kagalingan.
Intimacy
Maaari pa ring manatili ang pagiging intimate habang ikaw ay nasa dialysis.
Alamin pa ang tungkol sa intimacy at dialysis.
Pagkain ng Pagkaing Mainam sa Bato
Ang pagkaing mainam sa bato ay makakatulong sayo na maging maayos ang pakiramdam at magawa ang lubos sa kabuuan ng iyong gamutan.
Alamin ang tungkol sa pagkain at dialysis.