Pagkain ng Pagkaing Mainam sa Bato

Ang pagkain ng pagkaing mainam sa bato ay makakatulong sa iyong katawan na maging balanse at mapanigurado na nakukuha mo ang nutrisyon upang manatiling malusog.

Illustration of a man and woman seated at a table

Ang maunawaan kung ano ang dapat at hindi dapat kainin habang nagda-dialysis ay mahalagang bahagi ng paggagamot ng iyong chronic kidney disease (CKD). Ang pagpapanatili ng balanseng pagkain – kabilang na ang carbohydrates, taba, protina, mineral, at mga likido –  ay magbibigay sayo ng mabuting pundasyon para manatiling malusog habang nasa dialysis. Mahalagang makinig sa payo ng iyong klinika o dietician tungkol sa kailangan ng iyong katawan, lalo na’t kung nangangahulugan itong pagbabago sa paraan ng iyong pagkain.

Mother daughter preparing dialysis meal together

Pagbabago ng Iyong Pagkain para sa Dialysis

Bilang isang pasyente na nagsisimula ng pagda-dialysis, kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Katulad ng sinabi ng iyong klinika, maaari itong maglakip ng pagbabago sa kakainin at iinumin. Dahil ang iyong bato ay hindi na kayang magsala ng dumi at labis na likido palabas ng iyong katawan tulad ng inaasahan, ang iyong kinakain ay kailangang tanggalan ng ilang uri ng pagkain para manatiling malusog at balanse sa kabuuan ng gamutan.

Ang pagkain ng mga pagkaing mainam sa bato ay hindi dapat maging hamon. Ang pagiging maingat sa  pagkain sa kabuuan ng iyong gamutan ay makakatulong para sa mabuting pakiramdam at pagkilos ng maayos.

Woman preparing dialysis friendly salad

Pangkalahatang Gabay sa mga Pagkain habang nasa Dialysis

Ang espisipikong kinakailangan sa pagkain para sa dialysis ay iba't iba sa bawat tao. Ganunpaman, ito ang ilan sa mga pangkalahatang gabay na ang lahat ng mga pasyente ay dapat sundin, sila man ay nasa  hemodialysis (HD) - lakip na ang home hemodialysis (Home HD) - o peritoneal dialysis (PD).

Woman in glasses holding cup thinking about dialysis diet guidelines

Mga Gabay sa Pagkaing Nakadepende sa Terapiya

Ang iyong optimal na pagkain sa dialysis ay tinutukoy batay sa iyong edad, timbang, antas ng pagtakbo ng bato, at uri ng dialysis na ginagawa, ganun din kung meron ka pang ibang kondisyon sa kalusugan – tulad ng hypertension, mataas na kolesterol, o diabetes. Ang mga pangangailangan sa pagkain ay pareho para sa mga taong ginagamot ng peritoneal dialysis (PD) at hemodialysis (HD), lakip na rin ang home hemodialysis (Home HD). Ganunpaman, may mga ilang pangunahing pagkakaiba-iba na kailangang tandaan.

Saan susunod na pupunta?

Couple with dialysis cycling on beach as exercise

Pagkakaya sa iyong Emosyon

Ang paraan ng pagdadala ng iyong emosyon sa kabuuan ng iyong gamutan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong kagalingan.

Couple with camera and luggage travelling while on dialysis

Pakikipag-usap Tungkol sa Iyong Kalagayan

Ang pagsasalita nang bukas tungkol sa iyong kalagayan ay maaaring maging isang hamon, ngunit maaaring makatulong ito sa iyo na maitaguyod ang tiwala at makuha ang pang-emosyonal at praktikal na suporta na kailangan mo upang mabuhay nang matiwasay sa dialysis.

Elderly friends happily talking to each other about living well with dialysis

Intimacy

Maaari pa rin sayong makapagpanatili ng malapit na pakikipag-ugnayan habang ikaw ay nasa dialysis.

Alamin pa ang tungkol sa pagtatalik at dialysis.