Mga Sintomas ng Sakit sa Bato (CKD)
Ang mga palatandaan ng malalang sakit sa bato (CKD) ay hindi madaling matukoy sa mga unang stage o yugto dahil ang mga sintomas ng sakit sa bato ay nag-iiba sa bawat indibidwal. At kadalasan, ang mga sintomas ay lumalabas kapag sirang- sira na ang bato. Ito ang dahilan kung bakit ang sakit sa bato ay tinutukoy bilang isang "tahimik na kondisyon."
Mahigit sa 10% ng pandaigdigang populasyon ang apektado ng ilang antas ng sakit sa bato, at malaking bilang sa kanila ang nahaharap sa paglala para maging end-stage na sakit sa bato. Samakatuwid, mahalagang maging maingat sa anumang sintomas ng sakit sa bato na maaaring maramdaman ano mang oras.
Ang pinakakaraniwang palatandaan ng pagpalya ng bato o advanced-stage na sakit sa bato ay makikita sa ibaba. Gayunpaman, ang mga sintomas ng sakit sa bato ay halos hindi tiyak at maaari ding sanhi ng iba pang mga kondisyon sa kalusugan. Makipag-usap sa iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga sintomas na ito para sa tiyak ang diagnosis.