Iba Pang Mga Pagpipilian sa Paggagamot
Minsan, ang kidney transplant ay maaaring opsyon sa paggagamot. Para sa iba, ang supportive care na walang dialysis ay maaari ring angkop na piliin.
Ano ang Kidney Transplant?
Ang kidney transplant ay isang operasyon na kung saan ang malusog na kidney mula sa isang donor ay ilalagay sa iyong katawan. Ang bagong kidney na ito ay sasala sa iyong dugo at mag-aalis ng labis na likido sa paraang ginagawa ng iyong dalawang kidney nung malusog pa ito.
Ano ang Kinakailangan sa Kidney Transplant?
Ang tagumpay ng isang kidney transplant ay nakadepende sa iba’t ibang bagay. Kung ang iyong kabuuang kalusugan ay maayos, maaaring magpasya ang iyong klinika na angkop kang kandidato para sa kidney transplant at ilalagay ka sa listahan ng mga naghihintay, o alamin kung sino ang mga maaaring maging potensyal na buhay na donor, katulad ng mga myembro ng pamilya.
Matuto pa tungkol sa kahalagaan ng tamang oras at angkop na donor para sa ikatatagumpay ng operasyon ng kidney transplant.
Gaano ba Nagiging Matagumpay ang Kidney Transplant?
Ang sucess rate matapos ang kidney transplant mula sa isang buhay na donor ay iniulat ng National Organ Procurement and Transplantation Network na nasa 97% isang (1) taon matapos ang operasyon at 86% limang (5) taon matapos ang operasyon. Katulad rin, ang success rate ng kidney transplant mula sa yumaong donor ay iniulat na 96% isang (1) taon matapos ang operasyon at 79% limang (5) taong makalipas.
Mga Sanggunian:
- National Kidney Federation. How long does a transplant last? 2000.
Alamin pa kung ano ang dapat asahan matapos ang operasyon ng kidney transplant.
Benefits ng Kidney Transplant
Ang isang matagumpay na kidney transplant ay maaaring makatulong na mabuhay ng mas matagal at mamuhay ng may kaledad kaysa nung ikaw ay nagda-dialysis. Hindi mo na kailangan magkaroon ng gamutan sa dialysis o pigilan ang iyong pagkain katulad ng dati. Ganunpaman, ang buhay matapos ang kidney transplant ay maaaring maging mahirap. Ang pagpapagaling matapos ang kidney transplant ay maaaring mangailangan ng immunosuppressant therapy, na maaaring magtagal bago ka masanay at nangangailangan ng maraming mga pagbisita sa ospital.
Ang kidney transplant ay maaari ding may kaakibat na peligro.
Alamin pa ang tungkol sa mga potensyal na panganib at side effects ng operasyon ng kidney transplant.
Saan Sunod na Pupunta?
Peritoneal Dialysis sa Bahay
Kung ikaw ay hindi pa mabibigyan ng transplant, dapat mong i-kunsidera na magpatuloy sa dialysis. Maaari mo rin itong gawin sa bahay.
Alamin pa ang tungkol sa peritoneal dialysis (PD).
Hemodialysis sa Bahay
Mayroong higit sa isang paraan upang mag-dialysis sa bahay.
Alamin pa ang tungkol sa home hemodialysis (Home HD).
Center Hemodialysis
Maaari mo ring isaalang-alang ang pagtanggap ng dialysis sa isang ospital o treatment center na malapit sa iyo.
Alamin pa ang tungkol sa in-center hemodialysis (In-Center HD).