Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa CAPD
Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD) ay isang uri ng peritonel dialysis (PD) na gumagamit ng gravity para palitan ang lumang solusyon ng dialysis ng mas bagong solusyon.
Matuto nang higit pa tungkol sa Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis, mga proseso nito, mga side effect at higit pa.
Hanapin ang pinakamalapit na PD center na malapit sa iyo.
Ano ang CAPD?
Ang peritoneal dialysis (PD) ay gumagamit ng lining ng iyong tiyan (kilala rin bilang peritoneum) bilang natural na filter upang alisin ang mga lason sa iyong dugo.1 Mayroong 2 uri ng PD: Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD) at Automated PD (APD).
Ang CAPD ay hindi nangangailangan ng makina at maaaring isagawa sa anumang malinis na lugar. Nasa bahay ka man, trabaho, o kahit naglalakbay, maaari kang magpatuloy ng maginhawa sa iyong CAPD.
Paano Ginagawa ang CAPD sa Bahay?
Ang isang bag ng malinis na solusyon sa dialysis ay kinokonekta sa isang malambot na plastik na tubo (kilala bilang isang catheter) sa iyong tiyan. Nagsisimula ang CAPD kapag ang ginamit na solusyon sa iyong tiyan (kilala bilang effluent) ay "pinapalitan" ng sariwang solusyon.
Ang bagong bag ng solusyon ay nakabitin sa isang IV post, na nagpapahintulot sa gravity na hatakin ang bagong solusyon papunta sa iyong tiyan. Kapag nakumpleto na, ididiskonekta ang system, at may takip na inilalagay sa iyong catheter upang malaya kang gawin ang iyong araw hanggang sa iyong susunod na palitan. Ang bawat palitan ay tumatagal ng humigit-kumulang 20–40 minuto at kadalasang nangyayari sa pagitan ng 3–4 beses sa isang araw, depende sa iyong pangangailangan sa dialysis.
Sa sandaling nasa CAPD ka na, ang iyong tiyan ay palaging maglalaman ng solusyon sa dialysis, at sa tuwing ito ay papalitan, dadaan ka sa mga sumusunod na hakbang: