Mamuhay ng Maayos sa Dialysis
Ang pag-aalaga ng iyong kalusugang pangkaisipan at pisikal sa buong panahon mo sa pagdadialysis ay makakatulong upang tiyak na maging maayos ang iyong gamutan at makakatulong sa iyo na magkaroon ng matiwasay na buhay.
Maraming aspeto ng buhay mo ang maaaring maapektuhan habang nasa dialysis. Mas maayos na pangangalaga ng iyong katawan at kaisipan, mas maigi mong matatanggap ang mga pangangailangan ng iyong gamutan at mabalikan ang mga gawain na masaya kang gawin bago ang diagnosis ng iyong Chonic Kidney Disease (CKD). Bagaman hindi mo ito agarang mararamdaman sa una, habang naglalaon sa iyong kidney journey, mapapagtanto mo na ang pagiging malusog sa pangangatawan at pagtanggap sa emosyon ay makakatulong upang mas mapahusay ang iyong aktibong papel sa iyong gamutan. Maaari din itong makatulong upang maibalik sa malapit sa normal ang iyong pamumuhay sa kabila ng malaking pagbabago na nararanasan sa iyong buhay.
Mamuhay ng Maayos sa Dialysis
Diyeta at Dialysis
Ang pagiging nasa dialysis ay nangangailangan ng mga espesyal na pagsasaalang-alang sa pagdidiyeta. Ang pag-alam kung ano ang dapat at hindi dapat kainin habang nasa dialysis at ang pagsunod dito ay makakatulong na panatilihing balanse ang iyong katawan. Ang pag-tanggap ng bagong diyeta na angkop para sa bato ay maaaring mangailangan ng pagsasaayos sa iyong normal na gawi. Ang iyong clinician o dietician ay maaaring makatulong sa na gumawa ng isang plano na sa tingin mo ay komportable ka.
Pag-eehersisyo sa Dialysis
Mahalaga ang palagiang pisikal na aktibidad para manatiling malusog sa pisikal at isipan habang nasa dialysis. Ang paggawa ng exercise plan na iyong gusto ay maaaring magpababa ng iyong kolesterol, mapangasiwaan ang iyong timbang, at magpabawas ng stress at pag-aalala at magpapabuti ng iyong puso, bilang ilan sa mga marami pa bang kapakinabangan nito. Ang pagiging aktibo ang magpapanatili sa isipan na nag iisip, at nagpapangyari sayo na makaroon ng mas positibong pananaw sa buhay sa kabuuan ng iyong gamutan, at upang magkaroon ng inspirasyon sa iyong buhay sa kabila ng dialysis.
Pagbyahe habang nasa Dialysis
Kung kailangan mong magbyahe para sa trabaho o pumunta sa ibang bansa para sa isang holiday sa tag-init, kung gumawa ka ng tamang pag-aayos at paghahanda, maaari mong ipagpatuloy ang paglalakbay habang nasa dialysis. Totoo ito lalo na kung nasa PD ka, itong uri ng gamutan ay maaaring makapagbigay ng higit na kakayahang makapaglakbay. Ang paglalakbay ay maaaring magpalakas ng iyong kalooban at matulungan kang mapanatili ang pakiramdam ng kalayaan habang nasa dialysis ka.
Pakikipag-usap Tungkol sa Iyong Kondisyon
Ang pakikipag-usap sa pamilya, mga kaibigan at iba pang mga tao sa dialysis tungkol sa iyong karanasan sa sakit sa bato (CKD) ay maaaring makatulong upang gawing mas madali ang pagtanggap para sa iyo at sa kanila, upang makayanan ang pisikal at emosyonal na hamon ng iyong diagnosis. Ang pagbabahagi sa iba ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang iyong sariling damdamin, na mabawasan ang pagkabigla at bigat ng nararamdaman at maramdaman mo na mas may kontrol ka. Ang suporta at payo ng iyong mga mahal sa buhay ay maaaring makatulong sa iyo na makakuha ng bago at mahalagang pananaw tungkol iyong nararanasan.
Pagtanggap sa iyong Emosyon
Ang pag-aayos sa buhay na may isang pangmatagalang kondisyon ay maaaring maging isang mahirap na proseso. Kung ikaw ay nadiagnose pa lang o nasa proseso na ng paggagamot, malamang na ikaw at ang mga nasa paligid mo ay nakararanas ng samu't saring uri ng mga emosyon. Ang pagkaya sa mga damdaming ito ay hindi madali ngunit ang pagbabahagi at pagkilala sa mga ito ay mahalaga upang mapanatili ang iyong kalusugan sa kaisipan at pisikal sa buong oras mo sa dialysis.
Intimacy at Chronic Kidney Disease (CKD)
Sa madalas na iskedyul ng paggagamot, ang mga alalahanin tungkol sa kung paano nakakaapekto ang Chronic Kidney Disease (CKD) sa iyong pagnanais na makipagtalik ay maaaring tuluyan ng maisantabi. Ngunit ang sekswal na aspeto ay isang mahalagang bahagi ng iyong kalusugang pisikal at emosyonal. Ang pag-unawa sa kung paano at kung bakit ang iyong sekswal na buhay ay maaaring magbago bilang resulta ng iyong kondisyon ay maaaring makatulong upang maging komportable ikaw at ang iyong partner.