Tuklasin ang Iyong Mga Pagpipilian sa Paggagamot
Ang paghahanap ng gamutan para sa chronic kidney disease (CKD) na angkop sa iyong pisikal, emosyonal at pamumuhay ay maaaring magpabuti ng kaledad ng buhay at kapanatagan ng isipan.
Karamihan sa mga taong mayroong chronic kidney disease (CKD) ay ginagamot ng dialysis – maaaring sa bahay o sa klinika. Ang dialysis ay isang proseso na kinabibilangan ng pagtatanggal ng dumi at labis na likido mula sa iyong dugo kung saan ang iyong mga bato ay hindi na ito masala. Ang dialysis ang sasala sa iyong dugo gamit ang membrane, kung saan ginagaya ang malusog na bato. Ang membrane na ito ay maaaring sintetiko, tulad ng dialyser filter, o maaaring natural katulad ng peritoneal membrane. Habang sumasailalim sa dialysis, ang maliit na dumi sa iyong dugo ay dadaloy sa membrane na ito patungo sa likido na tinatawag na dialysate, na siyang naglilinis ng iyong dugo.
Peritoneal Dialysis (PD) sa Bahay
Ang peritoneal dialysis (PD) ay maglilinis ng iyong dugo habang ang dialysis solution ay nasa peritoneal cavity, gamit ang lining ng iyong tiyan (peritoneal membrane) bilang pansala. Dahil dito, maaari itong isagawa sa bahay, sa trabaho, o habang bumabyahe, maaaring gawin mo o ng tulong ng iyong tagapag-alaga. Maaari mong isagawa ang peritoneal dialysis (PD) sa araw o habang ikaw ay natutulog, na siyang magbibigay sayo ng kalayaan upang planuhin ang iyong dialysis sa iyong pang-araw araw na iskedyul. Ang peritoneal dialysis (PD) ay isang gamutang kadalasang ginagawa araw-araw.
Center Hemodialysis
Ang Hemodialysis (HD) ay maaaring isagawa sa ospital o klinika ng dialysis sa ilalim ng pangangasiwa ng iyong doktor. Ang center hemodialysis (Center HD) ay karaniwang nangangailangan ng iyong pagbisita sa ospital o klinika 3 beses kada linggo para sa gamutan na tumatagal ng 3 at 5 oras. Ang iyong gamutan ay tututukan, at maaari kang magtanong ng harapan. Karagdagan pa, ikaw ay mapapalibutan ng ibang mga tao na tumatanggap din ng parehong paggagamot.
Iba pang Pagpipilian sa Paggagamot ng Chronic Kidney Disease (CKD)
May mga iba pang pagpipilian sa paggagamot maliban pa sa dialysis na iyong pinag-iisipan. Kung natutugunan mo ang mga kinakailangan, maaari mong isaalang-alang ang kidney transplant. Para sa ilan, ang konserbatibong pangangalaga ng walang paggagamot sa dialysis ay maaaring angkop na piliin.