Ehersisyo at Dialysis

Ang palagiang pag eehersisyo ay mahalaga para manatiling malusog sa pisikal at isipan sa kabuuan ng iyong gamutan.

Illustration of a woman walking a dog outside

Ang pagiging aktibo habang nasa dialysis ay may maraming pisikal at sikolohikal na kapakinabangan. Ang palagiang ehersisyo ang magpapabuti ng iyong pagkilala sa sarili, aktibo sa pisikal at mental at magbibigay sayo ng oportunidad makisalamuha. Ang ehersisyo rin ang magbibigay sayo ng pakiramdam na “kumpiyansa sa sarili mo” at upang makasabay ang iyong pisikal at emosyonal na kakayahan upang gawin ang mga aktibidad na iyong ginagawa bago ka nasuri. Bago magsimula ng anumang pisikal na aktibidad, kausapin ang iyong klinika sa kung anong mga pagpipilian ang angkop para sayo.

elderly couple exercising in the park

Mga Kapakinabangang Pisikal at Emosyonal ng Pananatiling Aktibo Habang Nasa Dialysis

Ang pisikal na aktibidad ay mahalaga upang mapanatili ang malusog na pamumuhay, ikaw man ay nasa dialysis o wala. Ang ehersisyo, na sinasabayan ng pagkaing angkop sa bato, ay maaaring makapagpanatili ng maayos na timbang, magpalakas ng kalamnan at magpanatili ng malinaw na isipan ganon rin ng positibong pag iisip. Ang palagiang pisikal na aktibidad ay higit na mahalaga sa pagpapanatiling malusog ang iyong puso. Ito ay napakahalaga kung meron kang chronic kidney disease (CKD) na siyang naglalagay sayo sa mataas na panganib na magkaroon ng sakit sa puso.

Alamin pa ang tungkol sa mga kapakinabangang pisikal at emosyonal na makukuha sa palagiang pag eehersisyo

Elderly man exercising in the gym while on dialysis

Anong Uri ng Ehersisyo ang Magagawa Ko?

Kapag ikaw ay nagda-dialysis, maraming iba’t ibang uri ng pisikal na aktibidad ang maaari mong gawin. Ang pag eehersisyo habang nasa dialysis ay maaring kasing simple ng paglalakad-lakad. Ganunpaman, kung kaya mong gumawa ng ibang aktibidad, ang iyong klinika ay maaaring magmungkahi ng iba’t ibang pag-eehersisyo sa labas na pwede mong gawin, kung maayos ang panahon. Kung hindi naman, maraming mga ehersisyo ang pwede gawin sa loob ng bahay.

Alamin pa ang tungkol sa mga halimbawa ng ehersisyo sa loob at labas na pwede mo gawin habang nasa dialysis.

Elderly couple walking dog outdoors while on dialysis

Espesyal na mga Pagsasaalang-alang

Ang ilang mga pasyente sa dialysis ay may iba pang mga medikal na isyu na maaaring makaapekto sa kanilang kakayahang mag-ehersisyo nang palagian. Ang diabetes at sakit sa puso ay dalawa sa pinakakaraniwan. Kung mayroon kang mga kundisyong ito, dapat kang kumunsulta sa iyong doktor bago magsimulang mag-ehersisyo at pagkatapos ay simulan ang iyong plano sa ehersisyo nang dahan-dahan, habang dinadagdagan ang intensidad at haba ng iyong mga aktibidad sa paglipas ng panahon.

Basahin ang tungkol sa ilang pangunahing gabay para sa pag-eehersisyo habang nasa dialysis. Kausapin ang iyong klinika upang makabuo ng plano.

Woman with towel on neck drinking water after exercising while on dialysis

Pag-Inom at Ehersisyo

Ang pagpapanatili na balanse ang likido sa  iyong katawan ay lubhang mahalaga kapag ikaw ay nasa dialysis. Dapat malaman na nababawasan ng mas maraming likido kapag nag-eehersisyo. Makipag-usap sa iyong klinika tungkol sa gaano karaming likido ang kailangan lamang inumin habang nag-eehersisyo para masiguro na hindi mauuhaw at maiwasan ang hindi balanseng likido sa katawan. Ang mga pasyente ng dialysis ay madalas may restriction sa tubig at iba pang likido, kaya’t siguraduhing makausap ang iyong klinika o nars tungkol dito.

Saan Sunod na Pupunta?

Couple with camera and luggage travelling while on dialysis

Pagbabyahe habang nasa Dialysis

Posible pa rin sayo ang magbyahe habang ginagamot ang iyong chronic kidney disease (CKD).

Alamin pa ang tungkol sa pagbabyahe habang nasa dialysis.

 

Elderly friends happily talking to each other about living well with dialysis

Pakikipag-usap Tungkol sa Iyong Kalagayan

Ang pagsasalita nang bukas tungkol sa iyong kalagayan ay maaaring maging isang hamon, ngunit maaaring makatulong ito sa iyo na maitaguyod ang tiwala at makuha ang pang-emosyonal at praktikal na suporta na kailangan mo upang mabuhay nang matiwasay sa dialysis.

Holding hand for emotional support about dialysis

Pagkakaya sa iyong Emosyon

Ang paraan ng pagdadala ng iyong emosyon sa kabuuan ng iyong gamutan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong kagalingan.