Pagbabyahe habang nasa Dialysis

Hindi dapat maging hadlang ang dialysis sa iyong pagbabyahe. Dito ay malalaman mo ang tungkol sa mga dapat ayusin at kailangang gawin upang maging ligtas ang gamutan kahit malayo sa bahay. 

Illustration of an airplane

Para sa maraming pasyente ng chronic kidney disease (CKD), ang kakayahang gumalaw at bumyahe ay mahalaga para panatilihin ang pagiging independente. Maaaring kailangan mong bumyahe para sa trabaho o para sa pamilya o nais bumyahe dahil kinagigiliwan ito - at kahit na ang pagbabyahe sa dialysis ay may espesyal na pagsasaayos, maaari ka pa din bumyahe kung nanaisin.

Elderly couple with camera and luggage on travelling with dialysis

Posible Bang Bumyahe Habang Ako’y Nagda-dialysis?

Oo, posible para sa karamihan ng pasyenteng nagda-dialysis ang bumyahe at ipagpatuloy ang kanilang gamutan kahit malayo sa bahay. Maaaring hikayatin ka rin ng iyong klinika na bumyahe, kung kaya mo, dahil sa pampalakas loob na binibigay nito. Mahalaga na makipag usap sa klinika bago gumawa ng mga espesipikong plano sa pagbabyahe upang payuhan ka tungkol sa ligtas na paglalakbay at tulungan ka sa pag-aayos upang manatili pa rin sa iyong iskedyul ng gamutan habang ikaw ay malayo.

Alamin pa ang tungkol sa kung paano mananatili sa gamutan habang ikaw ay bumibyahe.

Elderly couple holding map and luggage on travelling with dialysis

Posible Bang Bumyahe Habang Ako’y Nasa Transplant Waitlist?

Oo, posible ring bumyahe habang ikaw ay aktibo sa transplant waitlist.

Ganunpaman, kailangan mong abisuhan ang iyong transplant coordinator tungkol sa iyong mga plano sa pagbabyahe. Mapapayuhan ka nila tungkol sa kung maaari kang bumyahe agad pabalik para tanggapin ang kidney, kung magkakaroon man habang ikaw ay malayo. Kung hindi naman, maaari mong piliin na mailagay sa “on hold” sa panahong ikaw ay nasa byahe. Mahalaga na makakuha ng tamang impormasyon kung paano nangyayari ang prosesong ito sa espesipikong listahan kung saan ka nakatala, kaya’t maging aktibo sa paghahanap ng mga sagot bago magplanong umalis ng bahay.

 

Man in sunglasses and fedora hat travelling while on peritoneal dialysis

Pagbabyahe Habang nasa Peritoneal Dialysis (PD)

Dahil ang mga pasyente ng peritoneal dialysis (PD) ay karaniwang pinadadala ang kanilang mga supplies sa kanilang destinasyon, kadalasan lang nilang dala ang kanilang cycler (kung sila ay nasa Automated Peritoneal Dialysis). Ibig sabihin nito, mas madaling bumyahe sa PD kaysa sa ibang uri ng dialysis. Ganunpaman, kung ikaw ay nasa peritoneal dialysis (PD), kailangan mo pa rin magplano ng maaga kung paano mo i-iimpake at ibabyahe ang lahat ng kakailanganin mo sa gamutan, o magplano sa pagpapadala ng mga produktong panggamot.

Alamin pa ang tungkol sa kung paano maghanda para isagawa ang PD habang bumibyahe.

Elderly friends enjoying their time on the beach

Pagbabyahe Habang nasa In-Center Hemodialysis (In-Center HD)

Kung ikaw ay tumatanggap ng gamutang in-center hemodialysis (In-Center HD), kailangan mo itong isaayos ng maaga upang magamot sa center na malapit sa iyong destinasyon. Karamihan sa mga centers ay sanay sa pakikipagtulungan para sa mga bumabyaheng mga pasyente, kaya’t siguraduhing tanungin ang iyong pangkat ng tagapag-alaga kung meron sa center na iyon ang makakatulong sayo.

Alamin pa ang tungkol sa kung paano magsasaayos ng in-center hemodialysis (In-Center HD) sa iyong pupuntahan.

Elderly couple smiling to each other

Isa Ka Bang Tagapag-alaga o Meron Ka Bang Mahal Sa Buhay Na Nagda-dialysis?

Ang pagiging tagapag-alaga o may mahal sa buhay na nasa dialysis ay nangangahulugang magbabago ang buhay mo sa ilang paraan. Ang malaman kung ano ang aasahan ay makakatulong sayo sa paglalakbay na ito.

Basahin pa ang tungkol sa kung ano ang dapat asahan, paano makakatulong sa mahal sa buhay, at kung bakit mahalagang alagaan ang iyong sarili.

Alamin

Saan Sunod na Pupunta?

Elderly friends happily talking to each other about living well with dialysis

Pakikipag-usap Tungkol sa Iyong Kalagayan

Ang pagsasalita nang bukas tungkol sa iyong kalagayan ay maaaring maging isang hamon, ngunit maaaring makatulong ito sa iyo na maitaguyod ang tiwala at makuha ang pang-emosyonal at praktikal na suporta na kailangan mo upang mabuhay nang matiwasay sa dialysis.

Holding hand for emotional support about dialysis

Pagkakaya sa iyong Emosyon

Ang paraan ng pagdadala ng iyong emosyon sa kabuuan ng iyong gamutan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong kagalingan.

Elderly couple holding hands

Intimacy

Maaari pa ring makapagpanatili ng malalapit na pakikipag-ugnayan habang ikaw ay nasa dialysis.

Alamin pa ang tungkol sa intimacy at dialysis.