Pag-aalaga sa Taong Nagda-dialysis
Lahat ng kidney journey ay magkakaiba, nakapagbabago ng buhay at babaguhin ang iyong pang araw-araw na buhay. Hindi lang ito totoo sa mga taong namumuhay ng may ganitong kondisyon – naaapektuhan rin ang mga taong nag-aalaga at sumusuporta sa kabuuan ng gamutan, mas kilala bilang mga tagapag-alaga.
Ang pag-aalaga sa taong may chronic kidney disease (CKD) ay maaaring kapwa mapanghamon at magantimpalang karanasan. Maaaring ikaw ay mabalisa kung ang iyong mahal sa buhay ay may sakit o kung makakatulong ka ba maibigay ang suporta na kanilang kailangan. Ito ay karaniwan. Tandaan na ang pag-aalaga sa iyong sarili ay mahalaga rin. Ang pag-unawa sa bigat ng karanasang ito, ang iba't ibang kinakailangan sa terapiya at mga bagong gawain na aasahan ang maghahanda sayong makaya ang mga hamon at magpapangyari sa inyong mabuhay ng matiwasay.
Pagkaya sa Iyong Emosyon at Pagbabago sa Buhay
Ang pag-aalaga sa taong nagsisimulang magdialysis ay maaari ring makapagpabago sa iyong buhay. Sa una, maaaring makaramdam ng napakalaking pagbabago, ngunit habang tuloy-tuloy itong ginagawa, nakakasanayan na ito araw-araw. May mga ilang paraan na tutulong sa iyong magawa ang iyong bagong papel, iyong mga emosyon at ang dulot ng dialysis sa inyong pamumuhay.
Pag-unawa sa Iyong Bahagi Bilang Tagabigay Suporta sa Peritoneal Dialysis (PD)
Kung ang taong iyong inaalagaan ay para sa peritoneal dialysis, nangangahulugan na siya ay magsasagawa ng gamutan sa bahay, kadalasan sa gabi, o buong gabi. Maraming mga pakinabang kapag nasa bahay ang peritoneal dialysis at ilang mga paraan para masulit ang mga kapakinabangang ito.
Pag-aalaga sa Taong Naka-Center Hemodialysis
Ang in-center hemodialysis ay isang uri ng gamutan para sa kanilang kidney journey. May mga ilang bagay na kailangan mong malaman para sila ay matulungan, ganun na rin ang iyong sarili sa paraang ito. Una, ang in-center dialysis ay maaaring gawin ilang beses sa isang linggo at tumatagal ng 4-5 oras hanggang buong gabi kada sesyon. Ito ay kailangan niyong kapwa paghandaan.