Dialysis

Madalas na naririnig ang salitang ‘dialysis’ sa tuwing ang paksa ng end-stage kidney disease o kidney failure ang napag-uusapan. Ngunit ano ang kaakibat nito, at bakit nakakatulong ito sa kidney failure? Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng simpleng panimula sa dialysis.

Hanapin ang pinakamalapit na dialysis center na malapit sa iyo.

Tignan ang listahan

Ano ang dialysis?

Ang dialysis ay isang medikal na proseso na nag-aalis ng mga lason at dumi sa katawan at tumutulong na mapanatili ang balanse ng likido nito sa pamamagitan ng pagsala ng dugo gamit ang isang ‘membrane’, na ginagaya ang function ng isang malusog na bato. Ito ang pinakakaraniwang opsyon ng gamutan ng end-stage kidney failure.

Karaniwang inirerekomenda ang dialysis kapag mayroon ka ng mga sintomas na nagpapahiwatig ng end-stage kidney disease. Sa stage o yugtong ito, ang function ng bato ay humihina nang labis kung kaya’t ang mga toxin ay nagsisimulang maipon hanggang sa maging labis na ito, maging ang balanse ng likido ay nagiging problema, na nagreresulta sa labis na likido sa katawan.

Ang dialysis ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga sintomas at maiwasan ang isang potensyal na nakamamatay na build-up ng mga lason at likido sa katawan.

Mga uri ng dialysis

Mayroong dalawang pangunahing uri ng dialysis: Hemodialysis (HD) at Peritoneal Dialysis (PD).  

Sa HD, ang dugo ay sinasala sa pamamagitan ng isang dialyser, madalas na tinutukoy ito na isang artipisyal na bato, at ibinabalik ang dugo sa katawan sa tuluy-tuloy na proseso. Ang proseso ay karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang 3-5 oras at maaaring gawin sa isang dialysis center. Ito ay karaniwang ginagawa nang hindi bababa sa 3 beses bawat linggo.

Sa PD, nililinis ang dugo sa loob ng katawan gamit ang natural na lining ng iyong tiyan (peritoneal membrane) bilang filter at isang espesyal na sterile dialysis fluid na dumadaloy sa loob at labas ng iyong tiyan. Ginagawa ang PD sa bahay at karaniwang ginagawa araw-araw, maaaring manual ito gawin sa araw sa 3 hanggang 4 na maikling session (Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis) o awtomatikong paraan gamit ang machine na tinatawag na cycler (Automated Peritoneal Dialysis) nang isang beses sa buong gabi.

Kapag pumipili ng uri ng dialysis, mahalagang isaalang-alang ang maraming bagay tulad ng iyong sitwasyon sa bahay, klase ng pamumuhay, at mga dati nang kondisyong pangkalusugan. Ang desisyon ay gagawin mo at ng iyong healthcare team, na magpapaliwanag ng mga opsyon na angkop sa iyo. Ang napiling uri ng gamutan ay maaaring muling suriin at baguhin kung kinakailangan.

Elderly man and healthcare professional looking at a tablet before dialysis

Bago simulan ang dialysis

Bago ka magsimula ng dialysis, maging ito ay PD o HD, isang surgical procedure na tinatawag na dialysis access surgery ay isinasagawa. Ang pamamaraang ito ay lumilikha ng access sa bloodstream para sa HD o ang peritoneal cavity access para sa PD.

Ang iyong healthcare team ay magbibigay sa iyo ng lahat ng kinakailangang impormasyon na kailangan mong malaman tungkol sa medikal na prosesong ito bago at habang nasa dialysis. Sa stage o yugtong ito, mahalagang masagot ang lahat ng posibleng alalahanin at tanong na meron ka.

Women hugging eldery mother before preparing for dialysis

Paghahanda para sa iyong unang sesyon ng dialysis

Bukod sa mga hakbang na gagawin ng iyong healthcare team upang ihanda ang iyong katawan sa gamutan, mahalaga na ihanda mo ang iyong sariling kaisipan. Makipag-usap sa iyong pamilya at mga kaibigan upang magkaroon ka ng network ng suporta kung kinakailangan. Planuhin ang iyong araw-araw na iskedyul na kung saan kailangan kang maglaan ng sapat na oras para sa gamutan. Ang kinakailangang oras na ito ay maaaring mag-iba batay sa uri ng dialysis. Kung sumasailalim ka sa HD, isaalang-alang kung gusto mong magplano ng ilang nakakarelaks na aktibidad habang nasa gamutan - patugtugin ang iyong playlist o magdala ng iyong paboritong libro.

Anuman ang uri ng dialysis, tandaan na ang mga pagbabago sa nakagawiang gawain ay nangangailangan ng sapat na panahon upang masanay at ang pagpapanatili ng positibong pananaw habang nasa gamutan ay makakatulong din.

Elderly dialysis couple smiling widely

Haba ng buhay sa dialysis

Ang haba ng buhay sa dialysis ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan, kabilang dito ang matagal ng kondisyon ng katawan na dati ng mayroon ka, kung maaari kang sumailalim sa transplant ng bato, at kung gaano kahusay ang dialysis para sa iyo. Makipag-usap sa iyong healthcare team o pangkat ng pangangalagang pangkalusugan upang maunawaan ang iyong partikular na kondisyon. Mahalaga rin na sundin mo ang iyong plano sa gamutan at iskedyul ng dialysis, gayundin ang payo ng iyong pangkat ng pangangalagang pangkalusugan.

MGA MADALAS NA TANONG