Pagtanggap Sa Iyong Mga Emosyon
Ang paraan ng pagdadala ng iyong emosyon sa kabuuan ng iyong gamutan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong kagalingan.
Normal na makaranas ng iba’t ibang kumplikadong emosyon habang inaangkop ang buhay sa chronic kidney disease (CKD). Mahalaga na maging bukas ang iyong sarili kung ano ang nararamdaman at hayaan ang sariling maranasan ang mga emosyong ito nang walang panghuhusga. Ang pagkilala sa iyong damdamin at pagbabahagi ng iyong pag-aalala tungkol sa iyong kundisyon ay malaking hakbang upang gawin itong mga positibong pagbabago sa iyong pag iisip.
Mga Emosyon Na Maaari mong Maranasan
Kasabay ng malaking pagbabago sa buhay ang bugso ng maraming emosyon. Ang chronic kidney disease (CKD) ay hindi naiiba. Ang buhay sa dialysis ay nangangailangan ng lakas sa pisikal at kaisipan, at minsan, maaaring makaramdam na para bang matindi na ang mga emosyonal na hamong dala nito.
Basahin pa ang tungkol sa mga emosyong maaari mong maranasan.
Pagkuha sa Suportang Iyong Kailangan
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa iyong kundisyon. Ang iyong klinika at iba pang myembro ng iyong PD team ay maaari kang ikonekta sa mga suporta na kakailanganin mo para mapangasiwaan ang iyong emosyon. Para malubos ang makukuha na support network, maaaring kailangan mong manguna – magtanong, mag-ulat ng mga sintomas, at magsaliksik tungkol sa iyong kundisyon.
Ang mga tagapag-alaga at myembro ng pamilya ay maaari ring maging mahalagang bahagi sa pagbibigay ng emosyonal na suporta sa kabuuan ng iyong gamutan.
Mahalaga na maging matapat ka sa iyong klinika tungkol sa mga damdaming iyong nararamdaman. Maaari kang makipag-ugnayan sa isang social worker o sikolohista sa iyong klinika. Kung pakiramdam na parang walang nagagawa, makipag-usap sa iyong doktor. Kung hindi mo masabi sa iyong PD team ang iyong mga emosyon, makipag-ugnayan sa mga lokal na public resources.
Saan Sunod na Pupunta?
Intimacy
Maaari pa ring manatiling intimate habang ikaw ay nasa dialysis.
Alamin pa ang tungkol sa intimacy at dialysis.
Pagkain ng Pagkaing Mainam sa Bato
Ang pagkaing mainam sa bato ay makakatulong sayo na maging maayos ang pakiramdam at magawa ang lubos sa kabuuan ng iyong gamutan.
Alamin ang tungkol sa pagkain at dialysis.
Ehersisyo at Dialysis
Ang pananatiling malusog sa pangangatawan ay makakatulong sayong malubos ang kabuuan ng iyong gamutan.
Alamin pa ang tungkol sa mga paraan upang maging aktibo habang nasa dialysis.