Center Hemodialysis (Center HD)
Ang in-center hemodialysis (In-Center HD) ay isang therapy option na sumasala sa iyong dugo sa labas ng iyong katawan gamit ang hemodialysis machine at manufactured filter, na tinatawag na dialyser. Dito ay maaari mong malaman pa ang tungkol sa in-center hemodialysis (In-Center HD).
Ano ang Center Hemodialysis?
Ang Hemodialysis (HD) ay isang uri ng dialysis na sumasala ng iyong dugo sa labas ng iyong katawan gamit ang makina at dialyser, isang manufactured filter na kumikilos tulad ng artipisyal na bato.
Paano Isinasagawa Ang In-Center Hemodialysis (In-Center HD)?
Kung ang iyong gamutan ay in-center hemodialysis (In-Center HD), karaniwang pupunta ka sa iyong ospital o klinika sa dialysis ng 3 beses sa isang linggo upang makatanggap ng 3-5-oras na paggagamot kada pagpunta, depende sa iskedyul ng dialysis na inireseta ng iyong klinika. . Doon, aalagaan ka ng isang nars o taga-klinika sa buong paggagamot mo.
Alamin pa ang tungkol sa kung ano ang aasahan sa in-center hemodialysis (In-Center HD).
Ang pagpili ng uri ng in-center hemodialysis (In-Center HD)
Kung nagpasya ka at ang iyong klinika na ang in-center hemodialysis (In-Center HD) ang pinakamahusay na opsyon sa paggamot para sa iyo, maaari kang pumili sa pagitan ng gamutan sa umaga (daytime HD) o, sa ilang mga kaso, pagtanggap ng gamutan sa gabi (nocturnal HD). Ang daytime hemodialysis (HD) ang pinakakaraniwang pinipili at ito ang maaaring makuha mo. Ang iyong mga sesyon ay mai-iskedyul sa oras na angkop sa iyong ospital o klinika. Ang mga araw at oras para sa terapiya ay isinasaayos depende kung merong bakante.
Paghahanda para sa in-center hemodialysis (In-Center HD)
Bago magsimula ang iyong in-center hemodialysis (In-Center HD), kakailanganin mo rin ng surgical procedure na siyang gagawa ng dialysis access site sa ilalim ng iyong balat na tinatawag na fistula. Sa fistula aagos ang di-malinis na dugo mula sa iyong blood vessels patungo sa hemodialysis machine at dadalhin ang malinis na dugo pabalik sa iyong blood vessels. Ang paggawa ng fistula ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpasok ng dalawang karayom sa sa loob ng blood vessels na nasa fistula.
Alamin pa ang tungkol sa mga uri ng hemodialysis (HD) access.
Kapakinabangan ng In-Center Hemodialysis (In-Center HD)
Ang In-center hemodialysis (In-Center HD) ay ginagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng isang supportive clinical team, ibig sabihin na maaari mong hayaan ang iba na alagaan ka habang naggagamot. Maaari mong gamitin ang oras mo sa gamutan upang matulog, magbasa, magtrabaho sa iyong laptop, makinig sa musika, o gumawa ng bagay na kinalilibangan. Maaari ka ring makipag usap sa iba pang pasyente ng dialysis, upang makipagpalitan ng impormasyon at mga kwento tungkol sa inyong mga dialysis journey kaiba o kapareho man ng sa iyo.
Alamin pa ang tungkol sa mga kapakinabangan at limitasyon ng in-center hemodialysis (In-Center HD).
Saan sunod na pupunta?
Peritoneal Dialysis sa Bahay
Merong iba pang uri ng dialysis - ang ilan ay maaari ring magawa sa bahay. Alamin pa ang tungkol sa peritoneal dialysis (PD).
Hemodialysis sa Bahay
Maaari ka ring gumawa ng hemodialysis sa iyong tahanan. Alamin pa ang tungkol sa home hemodialysis (HHD).
Ibang Opsyon sa Paggagamot
Kung ikaw at ang iyong klinika ay nagpasya na ang dialysis ay hindi angkop para sayo, may mga iba pang pagpipilian sa gamutan ang pwedeng isaalang-alang. Alamin pa ang ibang opsyon sa paggagamot ng chronic kidney disease (CKD).