Sunod na Hakbang

Sulitin ang oras kasama ang iyong healthcare team sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa iyong kondisyon. 

Female physician reviewing information with a man and woman
Man shaking hands with a male physician

Pagtanggap ng Tamang Impormasyon sa Tamang Panahon

Ang mga impormasyon sa website na ito ay naglalayon na dagdagan ang mga napag-usapan kasama ang iyong healthcare team. Ang pagsasama-sama ng mga impormasyong ito ay makakatulong sa iyong magpasya ng mga importanteng desisyon tungkol sa iyong gamutan. 

- Upang makapagdesisyon kung nais o di mo nais na tumanggap ng gamutan 

- Upang makapili ng naaangkop na gamutan para sa iyo mula sa iba't ibang maaaring pagpilian 

- Upang makapagpasya kung nais mong ipagpatuloy na lamang ang iyong kasalukuyang gamutan

Ang iyong pasya ay nakadepende sa kung ano ang importante para sa iyo.  

3 questions to ask your nephrologist about kidney disease treatment

Tatlong Tanong na Dapat Tanungin

Pagdating sa pagpapasya tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan, sa pakikipag-ugnayan kasama ang iyong healthcare team, magandang ideya na itanong ang 3 katanungan na ito: 

1. Ano ang aking mga opsyon o maaaring pagpilian? 

2. Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng bawat opsyon sa akin? 

3. Paano ako makakakuha ng suporta para matulungan akong gumawa ng desisyon na naaangkop para sa akin? 

Ang tatlong katanungang ito ay hango kay Shepherd HL, et al. Tatlong tanong na maaaring tanungin ng pasyente upang mapabuti ang kalidad ng impormasyon na maaaring ibigay ng mga manggagamot: isang cross-over trial. Edukasyon at Pagsangguni para sa Pasyente, 2011;84: 379-85

Illustration of woman consulting with doctor about kidney disease and treatment options

Bago ang nakatakdang bisita sa iyong healthcare team upang pag-usapan ang mga opsyon ng gamutan, sumangguni sa dokumentong ito upang maintindihan ang mga benepisyo ng bawat uri ng dialysis na akma sa iyo.