Tungkol sa Chronic Kidney Disease (CKD)

Makakatulong ang pag-unawa sa Chronic Kidney Disease (CKD) sa paggawa ng tamang desisyon habang tinatahak ang paglalakbay sa iyong gamutan.

Ano ang Chronic Kidney Disease (CKD)?

Sa chronic kidney disease (CKD), ang iyong mga bato ay unti-unting nawawalan ng kakayahang mag-alis ng dumi at likido mula sa iyong dugo. Kapag nangyari ito, ang mga nakakapinsalang dumi at likido ay nagsisimulang maipon sa iyong katawan, na nagiging sanhi ng hindi magandang pakiramdam. Bagama't walang lunas ang CKD, makakatulong ang gamutan na mapabagal ang paglala nito, kontrolin ang mga sintomas, at hayaan kang mamuhay ng matiwasay.

Ang CKD ay nakakaapekto sa parehong mga bato sa parehong oras. Habang ang iyong katawan ay may dalawang bato upang tumulong sa pagsala ng dumi, ang isa ay hindi isang "back-up" para sa isa pa. Sila ay nagtutulungan upang linisin ang iyong katawan. Kapag na-diagnose ka na may CKD, nangangahulugan na ang parehas na bato ay apektado at hindi na ma-filter ng maayos ang dumi at likido mula sa iyong katawan.

Illustration of Chronic Kidney Disease Symptoms

Paano nalalaman na may Chronic Kidney Disease (CKD)?

Maaaring hindi mo mapapansin ang mga sintomas hanggang sa ang iyong sakit sa bato (CKD) ay nasa advanced stage na. Ito ang dahilan kung bakit ang sakit sa bato ay ay tinutukoy bilang isang "tahimik" na kondisyon.1 Ang mga sintomas ay kadalasang hindi tiyak at maaaring mag-iba sa bawat tao. Dahil ang mga bato ay may kakayahang mag-adjust sa pagkabawas ng function nito, ang mga sintomas ng CKD ay maaaring hindi maramdaman hanggang sa hindi na maibabalik sa dati ang naging pinsala nito.

 Kung mayroon kang mga medikal na kondisyon (halimbawa, diabetes at mataas na presyon ng dugo) na naglalagay sa iyo sa panganib sa CKD, malamang na gagamit ang iyong doktor ng mga pagsusuri sa ihi at dugo upang suriin ang presyon ng dugo at regular na suriin ang paggana ng bato.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga sintomas ng malalang sakit sa bato.

 

5 Stages of Chronic Kidney Disease

Mga Stages o Yugto ng Panmatagalang Sakit sa Bato (CKD)

Ang CKD ay madalas na lumalala sa paglipas ng panahon at may 5 stages o yugto depende sa kung gaano pa kaepektibo sa kasalukuyan ang iyong mga bato sa pagsala ng iyong dugo. Ang iyong glomerular filtration rate (GFR) ay nagpapahiwatig kung gaano kahusay gumana ang iyong mga bato.

Ang iyong glomerular filtration rate (GFR) ay kinakalkula gamit ang kumbinasyon ng mga input. Kabilang dito ang iyong edad, kasarian at lahi, pati na rin ang antas ng creatinine ng iyong dugo - isang basurang produkto ng ating katawan. Kung ang iyong glomerular filtration rate (GFR) na numero ay mababa, ang iyong mga bato ay hindi gumagana nang maayos sa nararapat.

Sa mga unang stages o yugto (Stages 1–3), nagagawa pa rin ng iyong mga bato na salain ang dumi mula sa iyong dugo. Sa mga susunod na yugto (Stages 4–5), ang iyong mga bato ay hirap ng gumana para salain ang iyong dugo at maaaring tumigil ng lubusan sa paggana.2

Matuto nang higit pa tungkol sa mga stages 3, 4, 5 ng malalang sakit sa bato.

Ano ang Nagdudulot ng Panmatagalang Sakit sa Bato (CKD)?

Maraming kadahilanan ng panganib at sanhi ng sakit na ito na kung saan ay maaaring magpataas ng tsansa na magkaroon ng sakit sa bato (CKD). Kaya't mahalaga para sa iyo na matutunan ang tungkol sa mga potensyal na sanhi at kadahilanan ng panganib upang mabawasan ang tsansa na magkaroon ng CKD.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng malalang sakit sa bato (CKD).

Chronic Kidney Disease Overview & Treatment Options Pamphlet

Intindihin ang mga impormasyon tungkol sa chronic kidney disease

Ang pag-alam sa sakit sa bato at kung paano maaapektuhan ang katawan mo ay tila ba isang malaking hamon. Samakatwid, narito ang buod ng mga pinakaimportanteng bagay na dapat mong malaman. I-download at i-print o ibahagi ito sa iyong pamilya o tagapangalaga.

I-download
Chronic Kidney Disease Terminology Pamphlet

Pagkilala sa isang bagong wika

Ang pagiging diagnosed na may malalang sakit sa bato at pagsisimula sa dialysis ay malamang na nangangahulugan na haharapin mo ang maraming salita at bagay na hindi mo pa nararanasan. Upang matulungan kang matutunan ang pinakamahalagang terminolohiya, gumawa kami ng maliit na diksyunaryo. I-download at i-print ito, para masimulan mong maging pamilyar sa ilan sa mga salitang kailangan mong matutunan.

I-download
Illustration of doctor explaining kidney disease condition and treatment options to elderly patient

Paano Ginagamot ang Chronic Kidney Disease (CKD)?

Mayroong iba't ibang mga opsyon sa paggamot para sa sakit sa bato (CKD) at kritikal na magkaroon ka ng aktibong papel sa pagpili ng gamutan na pinakaangkop para sa iyo.

Karamihan sa mga late-stage na chronic kidney disease (CKD) na mga pasyente ay ginagamot sa pamamagitan ng dialysis, dahil hindi na ma-filter ng kanilang mga bato ang dugo nang epektibo. Ang transplant ng bato at konserbatibong pangangalaga ay mga alternatibong opsyon.

 Ang bawat opsyon sa paggamot ay may sariling mga benepisyo. Ihanda ang iyong sarili na magkaroon ng matalinong talakayan kasama ang iyong clinician tungkol sa kung aling gamutan ang pinakaangkop sa iyong pisikal, emosyonal at mga pangangailangan sa pamumuhay. Alamin ang tungkol sa iba't ibang pagpipilian sa paggamot sa CKD upang matalakay mo ang mga ito kasama ang iyong clinician at piliin ang pinakaangkop na opsyon sa paggamot para sa iyo.