Hindi mo pinili ang kidney failure, ngunit maaari mong piliin kung paano ito haharapin.    

Dumadami ang bilang ng mga tao na nais manumbalik ang kontrol sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamahusay na gamutan na sumusuporta sa kanilang pisikal, emosyonal at mga pangangailangan sa pamumuhay. Para sa kanila, ito ay isa pang pagkakataon sa buhay. Ito ay pagkakataon para magsimulang muli.

KAPAG HINDI NA GUMAGANA ANG KIDNEY

Doctor explaining to kidney failure patients what happens when your kidneys fail

Ang ma-diagnose ng may kidney failure ay mahirap, ngunit maaari mong gawin ang mga hakbang upang gawing mas maayos ang iyong landas. Magsimula sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyong sarili at pagkakaroon ng malalim na talakayan kasama ang iyong doktor. Gamit ang tamang diskarte at armado ka ng sapat na impormasyon, maaari kang maging mas handa na gawin ang mga unang hakbang ng iyong gamutan.

PAGPILI NG URI NG GAMUTAN

Kidney failure patients considering peritoneal dialysis

PERITONEAL DIALYSIS (PD)

Ang PD ay isang uri ng dialysis na gumagamit ng lining ng iyong tiyan na tinatawag na peritoneal membrane. Ito ay ginagamit upang alisin ang mga dumi sa iyong dugo. Pinapayagan ng PD ang isang flexible na iskedyul ng gamutan, dahil maaari itong gawin sa bahay o trabaho, at pwede rin sa araw o habang natutulog.

kidney failure patients considering haemodialysis

HEMODIALYSIS (HD)

Gumagamit ang hemodialysis ng makina, at sintetikong membrane na tinatawag na dialyser upang salain ang iyong dugo. Karaniwang ginagawa ang HD sa isang dialysis clinic o ospital sa ilalim ng pangangasiwa ng isang clinician. Ang in-center HD ay nangangailangan ng pagbisita sa ospital o klinika ng tatlong beses sa isang linggo para sa gamutan na tumatagal ng 3-5 oras.

Kidney failure patient discussing with his doctor about kidney transplant

KIDNEY TRANSPLANT

Ang kidney transplant ay isang operasyon kung saan ang isang malusog na bato mula sa isang donor ay inilalagay sa iyong katawan. Sasalain ng bagong kidney na ito ang iyong dugo at aalisin ang mga labis na likido sa paraang gagawin ng sarili mong dalawang bato kung sila ay malusog. Gayunpaman, dahil ang average na oras ng paghihintay para sa isang bato ay nasa pagitan ng 3 at 5 taon, maaaring kailanganin mo pa ring mag-dialysis bago ang transplant.

Kidney failure patients considering conservative care

KONSERBATIBONG PANGANGALAGA

Kung nararamdaman na hindi ang dialysis o kidney transplant ang tamang opsyon para sa iyo, maaari mong isaalang-alang ang konserbatibong pangangalaga. Nakatuon ang konserbatibong pangangalaga sa pagkontrol sa iyong mga sintomas at pagpapanatili ng kalidad ng iyong buhay.

PAANO NAGSISIMULA MULI ANG IBANG MGA PASYENTE NG KIDNEY FAILURE

Magsisimula pa lamang ng pamilya si Nino ng malaman nya na sya ay may CKD. Si Nino ay isang digital artist, online gamer, pintor, musikero sa simbahan at isang pasyente ng Stage 5 CKD. Habang ito ay isang nakakalugmok na balita sa kanya at ang kanyang may bahay, hindi nya hinayaang matalo sya ng sakit at sa halip niyakap nya ito at natutong magsimulang muli.