Hanapin ang mga Sagot na Iyong Kailangan
Ang pag-unawa sa iyong kundisyon ay makakatulong sayo para gawin ang tamang pagpapasya habang nagpapatuloy ka sa iyong gamutan.
Ang iyong Bato (Kidney) ay mahalaga sa iyong katawan. Ang malusog na bato ang nagtatanggal ng dumi at labis na likido mula sa iyong dugo, pinapanatili na balanse ang mga mineral, at tumutulong maisa-ayos ang presyon ng dugo, gumagawa ng red blood cells at vitamin D. Sa madaling salita, ang iyong mga bato ang naninigurado na ang iyong katawan ay malusog at balanse.
Ang Chronic kidney disease (CKD) ay isang kundisyon kung saan ang iyong mga bato ay unti-unting humihina ang kakayahang mag-alis ng dumi at labis na likido mula sa iyong dugo. Kapag ito’y nangyari, maiipon ang mga nakakasirang dumi at likido sa iyong katawan, na siyang magpaparamdam sayo ng panghihina at kawalan ng balanse. Bagama’t ang chronic kidney disease (CKD) ay walang lunas, ang paggamot ay nakakapag pabagal ng pag-usad nito, pumipigil sa mga sintomas at nagpapangyari sayong mabuhay ng maayos.
Ang Chronic kidney disease (CKD) ay parehong nakakaapekto sa iyong mga bato. Kahit pa man ang iyong katawan ay merong dalawang bato upang salain ang dumi, hindi ito “back-up” ng isa’t isa. Sabay silang kumikilos para linisin ang iyong katawan. Kapag ikaw ay nakitaan ng chronic kidney disease (CKD), ito’y nangangahulugan na ang pareho mong bato ay apektado at hindi maayos na nakakapagsala ng dumi at likido mula sa iyong katawan.

Anong Mga Sintomas Ang Aking Mararanasan?
Dahil ang ating pangangatawan ay iba’t iba, ang sintomas ay maaari ring magkakaiba sa bawat isa. Maaaring hindi mo agad mapansin ang mga sintomas hanggang sa lumala na ang iyong chronic kidney disease (CKD). Kaya’t madalas na ang mga sakit sa bato ay tinatawag na “tahimik” na kundisyon.

Ano Ang Sanhi ng Chronic Kidney Disease?
Kadalasan, ang chronic kidney disease (CKD) ay resulta ng iba pang mga kundisyon na permanenteng nakakaapekto sa iyong mga bato habang tumatagal. Halimbawa, ang diabetes at mataas na presyon ng dugo ay dalawa sa pangunahing sanhi ng chronic kidney disease (CKD). Iba pang potensyal na sanhi ay ang pagkakaroon ng polycystic kidney disease at iba pang pabalik-balik na mga kundisyon.

Ang Mga Antas ng Chronic Kidney Disease (CKD)
Ang chronic kidney disease (CKD) ay may 5 iba’t ibang yugto, mula sa 1 antas hanggang ika-5 antas. Ang antas kung saan ang iyong mga bato ay nakapabilang ay naka-depende sa kasalukuyang kakayanan nito na sumala sa iyong dugo.
Alamin ang mga antas o stages ng chronic kidney disease (CKD).

Pagkaya sa Mga Emosyonal na Aspeto ng Iyong Diagnosis
Ang masuri ng isang malubhang karamdaman ay nagpapabago sa buhay. Normal na makaranas ka ng iba’t ibang kumplikadong emosyon kapag natanggap mo ang ganitong balita. Sa una, maaari kang magulat sa mga di-inaasahang resulta o malungkot at matakot sa ideya na mamumuhay ka sa ganitong kundisyon.
Ang pagkaya sa mga emosyon na ito ay tunay na makapagpapabago ng iyong pisikal at kaisipan sa kabuuan ng iyong gamutan.

Tuklasin ang Mga Pagpipilian sa Paggamot sa Chronic Kidney Disease (CKD)
Mayroong iba't ibang mga opsyon sa paggamot sa chronic kidney disease (CKD) at mahalaga na ikaw ay aktibong makibahagi sa pagtukoy ng pinakaangkop sa iyo.
Ang susunod na hakbang sa iyong paglalakbay ay ihanda ang iyong sarili na magkaroon ng matalinong pag-uusap sa pagitan mo at ng iyong doktor tungkol sa kung aling paggamot ang pinakaangkop sa iyong pangangailangang pisikal, emosyonal at pamumuhay.